KAILANGANG magkaroon ng special session ang mga mambabatas upang maipasa ang Bangsamoro Basic Law at masugpo na ang kaguluhan sa Mindanao. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa Bangsamoro Assembly sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao kanina.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na nararapat maging inclusive ang batas upang lahat ang makinabang sa pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at mga kabilang sa Moro Islamic Liberation Front.
Ibinigay na ng Bangsamoro Transition Commission ang panukalang batas kay Pangulong Duterte sa seremonyang idinaos sa Malacanang noong nakalipas na Hulyo. Ipinarating na rin ng House of Representatives ang panukalang batas sa Kongreso noong nakalipas na Setyembre.