|
||||||||
|
||
SINABI ni Undersecretary Joel Sy Egco na may liwanag nang nakikita na madarama na ang katarungan ng mga biktima ng Ampatuan Massacre sa loob ng susunod na isang taon.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni G. Egco na ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ng makaharap ang mga kamag-anak ng mga napaslang sa karumal-dumal na insidente may walong taon na ang nakalilipas.
Kabilang sa nakasaksi sa pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa mga naulila sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at si G. Egco.
Dumalo rin sa pulong si UP Professor Danilo Arao. Natapos na umano ang pagtatanghal ng 190 saksi ng pag-uusig at higit na sa 60 saksi ang naitanghal ng depensa.
Sa panig naman ni G. Jose Antonio Custodio (isang military historian) na isang malaking hamon sa pamahalaan na wakasan na ang pagkilos ng mga armadong kilalang sumusuporta sa mga politiko.
Nag-uugat umano ang ganitong kalagayan sa pyudal na kalakaran sa mga lalawigan na ang mga politiko ay mayroong sariling mga armadong tauhan.
Ang isang problema umano ng pamahalaan ay napakikinabangan din ang mga armadong ito bilang "force multiplier" ng pamahalan sa paglaban sa mga armadong guerilya ng New People's Army at ng mga grupong Muslim.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |