Lunes, Nobyembre 27, 2017—Batay sa ulat mula sa Xiamen Entry-Exit Inspection and Quarantine Bureau ng Tsina, noong unang 10 buwan ng taong ito, 2.706 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga inangkat na paninda mula sa 10 bansang ASEAN, at ito ay lumaki ng 27.36% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Bilang mahalagang plataporma ng pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN, lumago nang malaki ang pag-aangkat ng puwerto ng Xiamen ng mga produkto ng ASEAN.
Ayon sa estadistika ng inspection and quarantine department, ang Thailand, Indonesia, Biyetnam, Malaysia at Singapore ay pangunahing pinanggagalingan ng pag-aangkat ng Xiamen ng mga paninda ng ASEAN, at ito ay katumbas ng 85% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat mula sa ASEAN.
Salin: Vera