Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-3 Pulong ng Mekanismo ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at Indonesia, idinaos

(GMT+08:00) 2017-11-29 10:20:37       CRI

Solo, Indonesia — Idinaos Martes, Nobyembre 28, 2017, ang Ika-3 Pulong ng Mekanismo ng Pagpapalitang Pangkultura sa Antas ng Pangalawang Punong Ministro ng Tsina at Indonesia. Magkasamang nangulo sa pulong sina Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina; at Puan Maharani, Ministro ng Coordinating Ministry for Human Development and Cultural Affairs ng Indonesia.

Ipinahayag ni Liu na ang naturang mekanismo ay isang mahalagang hakbang upang maisakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at magkasamang mapasulong ang konstruksyon ng "Belt and Road." Aniya, sapul noong 2015, tulad ng diyalogo ng seguridad na pampulitika at diyalogong pangkabuhayan sa mataas na antas, ang mekanismong ito ay nagsisilbing mahalagang sandigan para koordinahin at pasulungin ang relasyong Sino-Indones. Dapat lubos na patingkarin ng dalawang bansa ang papel ng nasabing mekanismo para ibayo pang mapasulong ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Puan Maharani na nitong tatlong taong nakalipas, sapul nang maitatag ang nasabing mekanismo, natamo ng dalawang bansa ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang gaya ng edukasyon, siyensiya't teknolohiya, kultura, kalusugan, at palakasan. Umaasa aniya siyang walang humpay na mapapalawak at mapapalalim ng dalawang panig ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan upang makapaghatid ng mas malaking kapakanan sa kanilang mga mamamayan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>