|
||||||||
|
||
Budapest, kabisera ng Hungary—Natapos Miyerkules, Nobyembre 29, 2017 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang apat na araw na biyahe sa Hungary.
Sa kanilang pag-usap Martes, sumang-ayon sina Premyer Li at Punong Ministro Viktor Orban ng Hungary na magsisikap pa ang dalawang bansa para maiangat ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership sa bagong antas.
Sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Viktor Orban ng Hungary, sa Budapest, Hungary, Nov. 28, 2017. (Xinhua/Ju Peng)
Pagkatapos ng pagtatagpo, tumayong-saksi ang dalawang punong ministro sa paglagda ng 11 dokumentong pangkooperasyon na may kinalaman sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, pinansya, kultura at iba pa.
Seremonya ng paglagda ng Tsina't Hungary sa serye ng dokumentong pangkooperasyon, sa Budapest, Hungary, Nov. 28, 2017. (Xinhua/Xie Huanchi)
Sa kanyang pananatili sa Hungary, lumahok din si Premyer Li sa Ika-6 na Pulong ng mga Lider ng China at 16 na Central at Eastern European Countries (CEEC) at Ika-7 Porum ng Kooperasyong Pangkabuhaya't Pangkalakalan ng China at CEEC.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |