Beijing, Tsina—Ipinahayag ni Aung San Suu Kyi, Tagapayong Pang-estado ng Myanmar na ang idinaraos na Communist Party of China (CPC) in Dialogue with World Political Parties High Level Meeting ay may impluwensya at katuturang pandaigdig. Inaasahan niyang matututo mula sa karanasan ng iba't ibang partido pulitikal.
Ito ay ipinahayag ni Suu Kyi Huwebes, Nobyembre 30, 2017, sa kanyang pakikipagtagpo kay Song Tao, Ministro ng International Department ng CPC Central Committee.
Kasalukuyang lumahok si Suu Kyi sa nasabing pulong, kasama ng mga kinatawan mula sa mahigit 200 partido at organisasyong pulitikal ng 120 bansa sa daidig. Binuksan ang pulong Nobyemre 30 at tatagal hanggang Linggo, Disyembre 3, 2017.
Salin: Jade
Pulido: Mac