Ipinatalastas ngayong araw, Biyernes, ika-24 ng Nobyembre 2017, ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na idaraos mula ika-30 ng buwang ito hanggang ika-3 ng susunod na buwan sa Beijing, ang mataas na pulong pandiyalogo ng CPC at mga partidong pulitikal ng daigdig.
Ayon pa rin sa ulat, dadalo at magtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at Pangulo ng estado ng Tsina.
Salin: Liu Kai