Ayon sa Departamento ng Publisidad ng Sanya, probinsyang Hainan ng Tsina, natapos na ang paghahanda para sa international cruise ship route mula Sanya papuntang Pilipinas, at maisasaoperasyon ito sa ika-22 ng kasalukuyang buwan.
Kumpirmadong isasagawa ng cruise ship na "Chinese Taishan" ang una nitong paglalayag sa nasabing ruta, sa ika-22 ng Disyembre. Ito ay lilisan ito mula Sanya papuntang Pilipinas at dadaong sa Manila at Boracay. Dahil sa mainam at sapat na disenyo, maigagarantiya sa unang paglalayag ang isang ligtas, mainam, at magandang cruise ship experience para sa mga turista.
Salin: Li Feng