Ipininid kagabi, Lunes, ika-4 ng Disyembre 2017, sa Putrajaya, Malaysia, ang ASEAN-China Film Festival.
Itinanghal sa pestibal ang 29 na pelikula mula sa Tsina at 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). 11 pelikula ang nakapasok sa paligsahan.
Sa bandang huli, ginarawan ng Best Feature Film ang Wolf Warrior 2 ng Tsina. Nagwagi ng Best Director si Jack Neo ng Singapore, dahil sa kanyang pelikulang Long Long Time Ago 2. Ginawaran ng Best Actor si Jack Tan ng Malaysia, sa pelikulang Shuttle Life. Ginawaran naman ng Best Actress si Laila Ulao ng Pilipinas, sa pelikulang Women of the Weeping River.
Salin: Liu Kai