Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-4 ng Disyembre 2017, ng Ministri ng Yamang Likas at Kapaligiran ng Thailand, nakapasa sa environmental impact assessment ang unang bahagi ng magkasanib na proyekto ng daambakal ng Thailand at Tsina.
Ayon naman sa Ministri ng Komunikasyon ng Thailand, pagkaraang makapasa sa naturang assessment, tinatayang sisimulan ang proyekto sa huling dako ng buwang ito.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, itatayo sa Thailand ang unang high-speed rail ng bansang ito, na ang kabuuang haba ay 253 kilometro. Makakaabot sa 250 kilometro bawat oras ang pinakamabilis na tulin sa daambakal na ito.
Salin: Liu Kai