Ipinatalastas Lunes, Disyembre 4, 2017, ng United Nations (UN) na bibiyahe sa North Korea si Jeffrey Feltman, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim na namamahala sa mga suliraning pulitikal ng United Nations (UN), mula ika-5 hanggang ika-8 ng kasalukuyang buwan. Tatalakayin nila ng mga North Korean officials ang mga isyung kapwa nila binibigyan ng pansin.
Ayon sa ulat, sa panahon ng kanyang biyahe, katatagpuin din ni Feltman ang mga miyembro ng mga grupo ng mga bansa sa UN at mga grupong diplomata.
Salin: Li Feng