|
||||||||
|
||
Inilunsad Biyernes ng umaga, Setyembre 15, 2017, ng Hilagang Korea ang isang intermediate-range ballistic missile na bumagsak sa karagatang Pasipiko sa dakong silangan ng Hapon. Kaugnay nito, nagpahayag ang maraming bansa ng kondemnasyon o kalungkutan. Tinututulan nila ang pagsubok-lunsad ng Hilagang Korea ng missile at hinimok ito na totohanang tupdin ang kaukulang resolusyon ng United Nations (UN) Security Council upang makabalik sa landas ng paglutas sa isyu sa pulitikal at diplomatikong paraan.
Inilabas nang araw ring iyon ng pamahalaang Timog Koreano ang pahayag na mahigpit na kinokondena ang muling paglulunsad ng Hilagang Korea ng ballistic missile. Binatikos nito ang Hilagang Korea na lumabag sa kaukulang resolusyon ng UNSC at nagdulot ng panganib sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at komunidad ng daigdig. Hinimok din ng pahayag ang Hilagang Korea na itigil ang "probokasyon," at bumalik sa landas ng diyalogo sa pinakamadaling panahon.
Ipinayayag din Biyernes ni Tagapagsalita Maria Zakharova ng Ministring Panlabas ng Rusya na ang paglulunsad ng Hilagang Korea ng ballistic missile ay lumabag sa pinakahuling resolusyon ng UNSC. Lubos aniyang ikinalulungkot ng Rusya ang bagay na ito. Ipinalalagay ng Rusya na dapat tupdin ng walang-pasubali ng may-kinalamang panig ang resolusyon ng UNSC.
Sa isa namang pahayag na inilabas nang araw ring iyon ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, sinabi nito na ang pagpapalipad ng Hilagang Korea ng missile ay ikalawang probokatibong aksyon kamakailan na nagsasapanganib sa Hapon, kaalyadong bansa ng Amerika.
Kinondena rin ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN ang nasabing missile-launch ng Hilagang Korea. Nanawagan siya sa Hilagang Korea na itigil ang ibayo pang pagsubok-lunsad at tupdin ang resolusyon ng UNSC.
Ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng panig Tsino ang paglabag ng Hilagang Korea sa kaukulang resolusyon ng UNSC. Aniya, masalimuot, sensitibo, at mahigpit ang situasyon sa Korean Peninsula. Dapat magtimpi ang iba't-ibang may kinalamang panig upang hindi gumawa ng anumang bagay na posibleng magpalala sa maigting na kalagayan sa rehiyong ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |