Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Idinaos Miyerkules, Disyembre 6, 2017, ang Porum na Pambatas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na dinaluhan ng halos 300 kinatawan ng sirkulong pambatas, eksperto at iskolar mula sa Tsina at mga bansang ASEAN.
Ang nasabing porum ay itinaguyod ng China Law Society na may temang "Pagpapalalim ng Pagpapalitan at Pagtutulungang Pambatas at Magkakasamang Pagtatayo at Pagtatamasa ng 'Belt and Road'." Tinalakay ng mga kalahok ang mga isyung pambatas sa pag-unlad at kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN, at pagtatatag ng mabisang mekanismo ng kooperasyong pambatas ng dalawang panig.
Salin: Li Feng