|
||||||||
|
||
Beijing — Idinaos nitong Martes, Disyembre 27, 2016, ang Pulong Ministeriyal tungkol sa Ika-5 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Mekanismong Panseguridad at Pangkooperasyon sa Pagpapatupad ng Batas sa Mekong River. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa pulong si Guo Shengkun, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina.
Si Guo Shengkun (sa kaliwa ng unang hanay)
Tinukoy ni Guo na nitong limang (5) taong nakalipas sapul nang maitatag ang nasabing mekanismo, mabisa itong nangangalaga sa kapayapaan at katatagan, at puwersa rin itong nakakapagpasulong sa kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang panig upang komprehensibong mapalalim ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas, pakikibaka laban sa droga, paglaban sa terorismo, at pangangasiwa sa hanggahan.
Dumalo rin sa pulong ang mga kaukulang namamahalang tauhan mula sa mga kasaping bansa ng mekanismong tulad ng Laos, Myanmar, at Thailand, at mga bansang tagamasid na gaya ng Cambodia at Biyetnam.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |