Pinagtibay kahapon, Biyernes, ika-26 ng Pebrero 2016, ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, kataas-taasang lehislatura ng bansa, ang batas hinggil sa paggagalugad sa mga yaman sa malalim na ilalim ng dagat.
Ang sustenableng paggamit ng mga yaman sa malalim na ilalim ng dagat ay pokus ng naturang batas. Inilakip dito ang mga detalyadong regulasyon sa paggagalugad sa mga yaman. Halimbawa, dapat gawin ang survey bago simulain ang paggagalugad, at dapat ipauna sa paggagalugad ang pangangalaga sa sistemang ekolohikal ng dagat.
Salin: Liu Kai