Upang mapalalim ang pagpapalitan kaugnay sa pamilihan ng puhunan, at ibayo pang mapahigpit ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam, idinaos noong ika-5 ng Disyembre, 2017 ang Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Biyetnam hinggil sa Puhunan sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Sa porum na itinaguyod ng China Shenzhen Stock Exchange at Bank of China Ho Chi Minh City Branch, binuksan ang platporma ng cross-border capital service sa pagitan ng Tsina at Biyetnam. Ito ay tinatanggap ng iba't ibang sirkulo ng dalawang bansa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Chen Dehai, Consul General ng Tsina sa Ho Chi Minh City na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang relasyon ng Tsina at Biyetnam, at ang kooperasyon sa pinansya ay mahalagang bahagi ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.
salin:Lele