Sa Real Estate Forum ng Biyetnam sa taong 2017 na ginanap Miyerkules, Nobyembre 15, sinabi ni Pham Hong Ha, Ministro ng Konstruksyon ng Biyetnam, na hindi lilitaw ang napakalaking pagbabago sa real estate market ng bansa sa taong 2018.
Tinukoy rin niya ang ilang limitasyon ng real estate market ng Biyetnam: una, hindi debersipikado ang pinanggagalingan ng pondo na inilaan sa pamilihang ito. Ang pangunahing pinanggagalingan nito ay mga organong pinansyal at pautang ng bangko, at mababa ang proporsyon ng sariling pondo ng mga mamumuhunan. Ika-2, di-makatwiran ang estruktura ng uri ng commodity house, at di-matatag at walang transparency ang pag-unlad ng pamilihan.
Salin: Vera