Dumating ngayong araw, Biyernes, ika-10 ng Nobyembre 2017, sa Da Nang, Biyetnam, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Pangulo ng bansa. Dadalo siya sa Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Biyetnam.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, sinabi ni Xi, na sa kasalukuyan, nagiging masagana ang nilalaman ng relasyong Sino-Biyetnames, at tumataas ang lebel ng kanilang kooperasyon. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, mapapatatag ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at maitatakda ang plano ng pagpapaunlad ng bilateral na relasyon, para pasulungin sa bagong antas ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam.
Salin: Liu Kai