Bilang tugon sa pagpigil kamakailan ng Indonesya sa isang bapor pangisda ng Tsina, ipinahayag noong ika-6 ng Disyembre, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinahawakan na ito ng mga may kinalamang departamento ng Tsina.
Aniya, nangisda ang nasabing bapor batay sa pag-aproba ng Pamahalaan ng East Timor sa nasabing rehiyong pandagat. Nagpapalitan aniya ang Tsina, Indonesya, at East Timor sa pamamagitan ng diplomatikong paraan, at umaasa siyang mapapalaya ang mga mangingisda sa lalong madaling panahon.
salin:Lele