Miyerkules ng umaga, ika-2 ng Nobyembre, 2016, pagkaraang lumisan ng Malaysia, lumubog sa rehiyong pandagat ng Batam Island ng Indonesia ang isang bapor na may lulang 93 pasaherong Indonesian. Ang aksidente ay maaring bunga ng over loading at masamang lagay ng panahon. Di-kukulangin sa 21 katao ang nasawi, 38 ang nailigtas, at 34 na iba pa ang nawawala.
Ipinadala ng panig pulisya ng Indonesia ang helikopter at mahigit sampung bapor para sa paghahanap at pagliligtas.
Iniimbestigahan na rin ang sanhi ng nasabing aksidente. May hinala ang mga pulis Indonesian na over loading at di-tamang pagpapatakbo sa mga kinauukulang linya ang sanhi ng paglubog ng nasabing bapor.
Salin: Vera