Xichang, Tsina-Inilunsad kaninang umaga, Disyembre 11, 2017 ang No.1 communication satellite o Alcomsat-1 ng Algeria.
Nang araw ring iyon, nagpadala ng mensahe sa isat-isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Abdelaziz Bouteflika ng Algeria, bilang pagbati sa usaping ito.
Bilang kauna-unahang proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Algeria sa larangang pangkalawakan, gagamitin ang nasabing satellite sa mga serbisyong pangkalawakan ng Algeria, na gaya ng broadcasting at television, emergency telecommunication, distance education, at iba pa.
Isinabalikat ng Long March-3B o CZ-3B rocket carrier ng Tsina ang nasabing paglulunsad.
Sa kasalukuyan, nasa nakatakdang orbita ang satellite.