New Delhi, India-Sa sidelines of 15th Foreign Ministers' Meeting ng Tsina, Rusya, at India, nag-usap Disyembre 11, 2017 sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at National Security Adviser Ajit Kumar Doval ng India. Ipinahayag ni Wang na bilang mga bansang may malawak na impluwensiya sa daigdig, inaasahang magsisikap ang Tsina at India para maayos na lutasin ang mga di-malutas na isyung pangkasaysayan, at mga bagong problema at hamon sa kasalukuyang pagtutulungan, para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Aniya, bilang plataporma ng pagtutulungang pangkabuhayan ng rehiyon at daigdig, ang "Belt and Road Initiative" ay naglalayong magdulot ng ginhawa sa mga mamamayan sa kahabaan nito. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng India para palakasin ang konektibidad at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.
Ipinahayag naman ni Doval na mas marami ang komong palagay ng Tsina at India kaysa sa alitan nito. Nakahanda aniya ang India na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pahigpitin ang estratehikong pagtitiwalaan, at maayos na lutasin ang alitan. Umaasa aniya siyang palalakasin ang koordinasyon ng dalawang panig para magkasamang pangalagaan ang komong interes ng mga emerging market at umuunlad na bansa sa daigdig.