Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing, Nobyembre 22, 2017 kay Kang Kyung-wha, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Timog Korea, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na positibo ang Tsina sa pahayag kamakailan ng Timog Korea hinggil sa di-pagtatalaga ng additional budget ng THAAD, di-paglahok sa anti-missile system ng Amerika, at di-pagpapasulong ng alyansang militar ng Amerika, Hapon, at Timog Korea. Aniya, positibo rin ang Tsina sa pahayag ng Timog Korea na hindi mapipinsala ang interes sa larangang panseguridad ng Tsina. Inaasahang malulutas nang maayos ng T.Korea ang isyu ng THAAD, dagdag pa ni Wang.
Ipinahayag din ni Wang ang pag-asang magkasamang magsisikap ang Tsina at T. Korea para ibayo pang palawakin ang pag-uunawaan ng dalawang panig, at mabawasan ang nagkakaibang palagay, para lumikha ng mainam na kondisyon para sa pagpapanumbalik ng normal na bilateral na pagtutulungan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Kang ang pag-asang hihigpit pa ang mataas na pagpapalitan ng T.Korea at Tsina, at people to people exchanges nito, para maibalik ang normalisasyon ng bilateral na pagtutulungan sa lalong madaling panahon, at ibayong pasulungin ang mas mabungang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Nang mabanggit ang isyung nuklear sa Peninsula ng Korea, ipinahayag ni Wang na may komong interes ang Tsina at Timog Korea sa pagsasakatuparan ng ligtas na sandatang nuklear, at pangangalaga sa katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Kang ang pagsang-ayon sa paninindigan ng Tsina sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea. Umaasa aniya siyang malulutas ang mga may-kinalamang problema sa pamamagitan ng diyalogo, sa halip ng pagpataw ng sangsyon.