Idinaos ngayong umaga, Miyerkules, ika-13 ng Disyembre 2017, sa Nanjing, lunsod sa silangan ng Tsina, ang state memorial ceremony para sa mga nabiktima ng Nanjing Massacre.
Dumalo sa seremonya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang taong ito ay ika-80 anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan pinaslang ng mga mananalakay na Hapones ang mahigit 300 libong mamamayang Tsino, sa Nanjing, noong World War II.
Ito rin ang ika-4 na beses na pagdaraos ng state memorial ceremony para sa naturang mga nabiktima, sapul nang itakda noong Pebrero ng 2014 ang December 13 bilang national memorial day para sa mga nabiktima ng Nanjing Massacre.
Salin: Liu Kai