Idinaos kaninang umaga sa Nanjing, lunsod sa silangang Tsina, ang state ceremony para sa ika-2 National Memorial Day for the Nanjing Massacre. Lumahok at nagtalumpati sa seremonya si Li Jianguo, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.
Ipinahayag ni Li na ang pagtatakda ng Tsina ng pambansang araw para sa paggunita sa Nanjing Massacre ay hindi para ipagpatuloy ang pagkapoot, kundi ay isang pananawagan para sa paggigiit sa kapayapaan, at paglikha ng mapayapa at magandang kinabukasan. Dagdag niya, dapat buong tatag na tutulan ang pagpapaganda sa digmaan ng pananalakay, para hindi maulit ang ganitong trahedya.
Sinabi rin ni Li na sapul nang isakatuparan ang normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones noong 1972, malaki ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, dapat sundin ng Tsina at Hapon ang kanilang 4 na dokumentong pulitikal, para pasulungin ang pagkakaibigan at pagtutulungan, at magkasamang magbigay ng ambag sa pandaigdig na kapayapaan.
Salin: Liu Kai