Ang kasalukuyang taon ay ika-80 anibersaryo ng pagkaganap ng Nanjing Massacre. Dahil dito, isang maringal na state memorial ceremony para sa mga biktima ang idinaos ngayong umaga, Disyembre 13, 2017, sa lunsod Nanjing, punong lunsod ng probinsyang Jiangsu ng Tsina. Dumalo sa seremonyang ito si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at mga lider ng partido at bansa.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na para makalikha ng magandang kinabukasan, dapat maunawaan ang nakaraan. Aniya, upang maiwasan ang muling pagkaganap ng naturang tradehiyang historikal, patuloy na gagawa ang Tsina ng walang tigil na pagsisikap para sa pangmatagalan at pangmalayuang kapayapaan ng buong sangkatauhan. Para sa kapayapaan, igigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng