Noong ika-13, Disyembre, 2017, ipinahayag dito sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na magkasamang magsisikap ang kapuwa Amerika at Hilagang Korea para matamo ang aktuwal na progreso sa larangan ng ugnayan at diyalogo.
Ayon sa ulat, noong ika-12 ng Disyembre, 2017, isiniwalat ni Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika na umaasa pa rin ang kanyang bansang malulutas ang isyung nuklear ng Korean Peninsula sa pamamagitan ng diplomatikong paraan. Kung handa na ang Hilagang Korea, nakahanda ang Amerika na magkaroon ng talastasang walang paunang kondisyon, aniya.
Tinukoy ni Lu na ang mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula ay laging paninindigang ng Tsina.
salin:Lele