Ipinahayag Huwebes, Disyembre 14, 2017 ng Tsina ang pagtutol sa paglakip ng Amerika ng clause na may kinalaman sa Taiwan sa National Defense Authorization Act para sa taong piskal 2018. Ang nasabing act ay naging batas makaraang pirmahan kamakailan ni Pangulong Donald Trump.
Sa isang regular na preskon, sinabi ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kahit hindi legally binding ang nasabing artikulo, nakakapinsala ito sa Patakarang Isang Tsina at mga prinsipyo ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Estados Unidos. Nakikialam ito sa mga suliraning panloob ng Tsina, dagdag pa niya.
Ipinagdiinan ni Lu na ang Patakarang Isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng ugnayang Tsino-Amerikano. Inulit din niya ang matinding pagtutol ng Tsina sa anumang porma ng ugnayang opisyal at pagpapalitang militar sa pagitan ng Amerika at Taiwan.
Salin: Jade
Pulido: Mac