Ipinahayag nitong Linggo, Disyembre 17, 2017, ng isang opisyal ng Ministring Agrikultural ng Thailand, na sa kasalukuyang taon, may pag-asang aabot sa 11 milyong tonelada ang iluluwas na bigas ng bansa. Ito ay magiging bagong rekord sa kasaysayan, aniya pa.
Ang Thailand ay isa sa mga pangunahing bansang nagsusuplay ng bigas sa buong mundo. Nitong dalawang taong nakalipas, nasa ikalawang puwesto sa daigdig ang Thailand sa bolyum ng iniluluwas na bigas na sumusunod sa India. Umaasa ang Thailand na mapapasakamay nito ang unang puwesto sa pagluluwas ng bigas.
Salin: Li Feng