Ipinahayag kamakailan ng Samahan ng mga Tagapagluluwas ng Bigas ng Thailand, na noong 2016, iniluwas ng bansang ito ang halos 9.9 milyong toneladang bigas, at mas malaki ito ng 0.9% kumpara sa noong taong 2015. Ang bilang na ito ay nasa ikalawang puwesto ng daigdig.
Ayon pa rin sa pagtaya ng naturang samahan, sa taong 2017, magiging mas malakas ang kompetisyon sa pandaigdig na pamilihan ng pagluluwas ng bigas. Anito, lalaki ang output ng ilang pangunahing bansang nagluluwas ng bigas, at bababa ang pangangailangan ng mga bansang nag-aangkat nito. Dahil dito, itinakda ng naturang samahan ang target ng pagluluwas ng 9.5 milyong toneladang bigas sa taong ito.
Salin: Liu Kai