Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dokumentaryo hinggil sa Sultan ng Sulu na nakahimlay sa Tsina, isinasagawa ng PBS-RTVM

(GMT+08:00) 2017-12-19 17:57:15       CRI

Si Jayvee Cosico (ikalawa mula sa kanan), kasama ang kanyang mga kasamahan mula sa PBS-RTVM sa kanilang pagdalaw sa CRI

Beijing, Tsina--Sa kanilang pagdalaw ngayong araw sa himpilan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, ipinahayag ni Jayvee James Cosico ng Presidential Broadcast Staff - Radio Television Malacanang (PBS-RTVM) na nagpunta sila sa Tsina upang gumawa ng dokumentaryo tungkol sa buhay ni Sultan Paduka Pahala, ang Sultan ng Sulu na nakahimlay sa Dezhou, lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina.

Ani Cosico, layon ng dokumentaryong ito na ipaalam sa lahat ng Pilipino sa buong mundo kung gaano na katagal at katibay ang relasyong Pilipino-Sino.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas mapapalalim at lalo pang mapagtitibay ang pagkakaunawa ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina sa isa't-isa, aniya pa.

Mula nang dumalaw sa Tsina si Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 2016, naibalik sa tamang landas ang relasyong Sino-Pilipino, at kasabay nito, dumalas ang pagdadalawan ng mga media ng dalawang bansa.

Si Jayvee James Cosico habang kinakapanayam ng Serbisyo Filipino

Para rito, umaasa si Cosico na magtutuluy-tuloy ang patuloy na lumalakas na pagpapalitang pang-media ng Pilipinas at Tsina.

Si Sultan Paduka Pahala ay Pilipinong Sultan na nagpunta sa Tsina upang dalawin ang kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming ng Tsina.

Sa kanyang biyahe pabalik ng Pilipinas, nagkasakit siya at namatay sa Dezhou, lalawigang Shandong ng Tsina noong 1417.

Nagpa-iwan dito ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki, at magpahanggang ngayon, binabantayan pa rin ng kanilang mga salinlahi ang puntod ng yumaong sultan.

Ulat: Rhio Zablan
Larawan: Ken Sumbilon
Web-edit: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>