Beijing, Disyembre 18, 2017--ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ayon sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping, dumalaw si Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea sa Tsina mula ika-13 hanggang ika-16 ng buwang ito. Malalim aniyang nagpalitan ng pananaw ang mga pangulo ng dalawang bansa hinggil sa pagpapabuti at pag-unlad ng Tsina at Timog Korea, pagpapahigpit ng koordinasyon at kooperasyon sa mga isyung pandaigdig na gaya ng isyung nuklear ng Korean Peninsula. Narating nila ang maraming komong palagay, at niliwanag ang plano at direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Hua na nakahanda ang Tsina na buong taimtim na isakatuparan, kasama ng Timog Korea, ang mahalagang komong palagay na narating ng dalawang bansa, isaalang-alang ang kapakinabangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, igagalang ang nukleong interes at pangunahing pagkabahala ng isa't isa, patuloy na maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu, at gawing layunin ng kooperasyon ang pagtatamo ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Ito, aniya ay para mapasulong ang malusog, at matatag na pag-unlad ng estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at Timog Korea sa tumpak na landas.
Salin:lele