Noong ika-14 ng Disyembre, 2017, nakipag-usap dito sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Moon Jae-in, dumadalaw na Pangulo ng Timog Korea.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Timog Korea ay kapitbansang magkaibigan at estratehikong partner na pangkooperasyon. Kamakailan, dahil sa ilang elementong alam ng lahat, dumaan ang relasyon sa pagsubok, ito ay nagkaloob ng karanasan, hinggil sa kung paanong igalang ang nukleong interes sa isa't isa para lumikha ng mas mabuting hinaharap. Pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Timog Korea. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na manangan kasama ng T.Korea, sa patakarang diplomatiko sa mga kapitbansa na may katapatan, para mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas. Binigyang-diin din niya, na winiwelkam ang paglahok ng T.Korea sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative para maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Ipinahayag ni Moon na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para mapalalim ang estratehikong partner na pangkooperasyon ng T.Korea at Tsina. Nakahanda ang kanyang bansa na lumahok sa kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, at magsikap, kasama ng ibang bansa, para itatag ang "community of shared future for mankind".
Nagpalitan din sila ng kuro-kuro hinggil sa isyu ng Korean Peninsula. Binigyan-diin ni Xi na dapat igiit ang walang-nuklear na Korean Peninsula. Ito aniya ang target na hinding-hindi magbabago, at hindi dapat humantong sa ng digmaan o kaligaligan. Patuloy na kumakatig aniya ang Tsina sa pagkakaroon ng diyalogo ng Timog at Hilagang Korea, at ito ang makakatulong sa pagpapahupa ng maigting na kalagayan at mapayapang paglutas ng isyu. Inulit ni Xi ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) systema, at umaasa aniyang patuloy na maayos na hahawakan ang isyung ito.
Binigyan-diin ni Moon na matatag na magsisikap ang kanyang panig para sa mapayapang paglutas ng isyung nuklear ng Korean Peninsula. Nakahandang pangalagahan, kasama ng Tsina, ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
salin:Lele