Sa paanyaya ng Parliamento ng Singapore, dumalaw sa Singapore si Yan Junqi, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), mula ika-17 hanggang ika-19 ng buwang ito.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa pagpapalalim ng bilateral na relasyon at pagpapahigpit ng pagpapalitang di-pampamahalaan.
Ipinahayag naman ng panig Singaporean na handa silang makisangkot sa konstruksyon ng "Belt and Road," at magsisikap, kasama ng Tsina para mapalalim ang pagtutulungan ng dalawang panig.