|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Sumang-ayon Huwebes, ang Tsina at Myanmar na ibayo pang pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungang parliamentaryo ng dalawang bansa.
Ito ang napagkasunduan sa pag-uusap nina Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Standing Committee ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina at U Win Myint, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar.
Sina Zhang Dejiang (kanan), Tagapangulo ng NPC Standing Committee, at U Win Myint, Ispiker ng House of Representatives (Mababang Kapulungan) ng Myanmar sa Beijing, China, Sept. 7, 2017. (Xinhua/Zhang Ling)
Sinabi ni Zhang na ang relasyon sa pagitan ng mga lehislatura ng dalawang bansa ay mahalagang bahagi ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon. Iminungkahi niyang patatagin ng dalawang lehislatura ang pagtitiwalaang pampulitika, at pasulungin ang pagbabahagi ng karanasan sa pangangasiwang pang-estado, lehislasyon at superbisyon para mapaganda ang kapaligirang pambatas para sa mga pragmatikong kooperasyon, at pagpapalitang pangkultura, pang-edukasyon, pangkabataan, at pang-media.
Hinangaan naman ni U Win Myint ang "paukphaw", termino sa pagkakaibigan sa wikang Myanmar, sa pagitan ng Tsina at Myanmar, at pinasalamatan din niya ang pagtulong at suporta ng Tsina sa Myanmar, lalo sa panahon ng kahirapan. Nakahanda aniya ang Myanmar na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa NPC para mapalalim ang ugnayan ng dalawang bansa sa iba't ibang sektor.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |