Tungkol sa pagbaril kamakailan ng maritime police ng Timog Korea sa bapor pangisda ng Tsina, ipinahayag noong ika-20 ng Disyembre, 2017, dito sa Beijng ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na maayos na hahawakan ng Timog Korea ang may kinalamang isyu, at huwag isapanganib ang kaligtasan ng mga tao.
Ayon sa ulat ng media ng T.Korea, noong ika-19 ng Disyembre, 2017, mahigit 40 bapor pangisda ng Tsina ang pumasok sa economic zone ng Timog Korea sa paligid ng Jeollanam-do. Naglabas ng babala ang maritime police ng Timog Korea at ibinaril ang naturang mga bapor. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa tukoy ang bilang ng kasuwalti.
Sinabi ni Hua na lubos na nababalisa ng Tsina sa ulat na ito. Lagi aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pamamahala sa gawain ng mga bapor pangisda ng bansa, at aktibo aniyang pangangangalagaan ng Tsina ang kaayusan ng industriya ng pangingisda ng Tsina sa dagat.
salin:lele