Ipinahayag kamakailan ng isang mataas na opisyal Amerikano ang pagbatikos sa umano'y pagtatatag ng Tsina ng sariling leading regulation, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng "Belt and Road Initiative." Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 20, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananatiling bukas at inklusibo ang "Belt and Road Initiative," at hindi ito nakatuon sa anumang bansa. Aniya, ang nasabing inisyatibo ay naglalayong magpasulong ng kooperasyon, batay sa ideya ng magkasamang negosasyon, magkasamang konstruksyon, at magkasamang pagtatamasa ng bunga. Tanggap aniya ng inisyatibo ang paglahok ng ibat-ibang panig.
Ani Hua, sapul ng pagharap ng "Belt and Road Initiative," nilagdaan ng 80 bansa't organisasyon sa daigdig ang kasunduang pangkooperasyon, sa pamamagitan ng negosasyon; nagkaroon ng pagtutulungan ang mahigit 30 bansa sa larangan ng produktibong lakas; 75 sonang pangkabuhayan at pangkalakalan ang naitatag sa 24 na bansa sa kahabaan nito; mahigit 50 bilyong dolyares ang inilaan ng mga bahay-kalakal ng Tsina; at lumikha ito ng mga 200,000 luklukan ng trabaho.
Aniya, ang mga ito ay nagpapakita na win-win situation at mutual benefit ang saligang target ng "Belt and Road Initiative," at kinakatigan ito ng komunidad ng daigdig.