|
||||||||
|
||
Dalawang daan limampu't tatlo (253) kilometro ang haha ng unang yugto ng nasabing daambakal sa pagitan ng Bangkok at lalawigang Nakhon Ratchasima sa dakong hilaga-silangan ng bansa. Inaasahang aabot sa 250 kilometro kada oras ang pinakamabilis na takbo ng tren.
Ang Tsina ay bahala sa disenyo ng daambakal, superbisyon sa konstruksyon, at paggawa ng tren at signal systems.
Ang pangalawang yugto naman ay tutungo mula sa lalawigang Nakhon Ratchasima ng Thailand papuntang Nong Khai sa hanggahan sa Laos. Sa gayon, kokonekta ito sa daambakal na nag-uugnay sa Laos at Tsina.
Sa kanyang liham na pambati sa nasabing pasinaya, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang China-Thailand high-speed railway ay isang flagship project para magkasamang pasulungin ang Belt and Road Initiative na nagtatampok sa magkasamang konsultuasyon, magkasamang konstruksyon at komong kasaganaan.
Si Punong Ministro Prayut Chan-o-cha habang nagtatalumpati sa pasinaya ng konstruksyon ng unang high-speed railway sa bansa, sa Pak Chong, Thailand, noong Disyembre. 21, 2017. (Xinhua/Li Mangmang)
Mga panauhing Thai at Tsino sa pasinaya ng konstruksyon ng unang high-speed railway sa bansa, sa Pak Chong, Thailand, noong Disyembre. 21, 2017. (Xinhua/Li Mangmang)
Modelo ng unang bahagi ng high-speed railway na nag-uugnay sa Bangkok at Nakhon Ratchasima province. Larawang kinuha sa sa Pak Chong, Thailand, noong Disyembre. 21, 2017. (Xinhua/Li Mangmang)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |