Ayon sa ulat kahapon, Martes, ika-19 ng Disyembre 2017, ng Ministri ng Transportasyon ng Thailand, sumang-ayon nang araw ring iyon ang gabinete ng bansa, sa pagsisimula bukas, ika-21 ng Disyembre, ng unang bahagi ng magkasanib na proyekto ng daambakal ng Thailand at Tsina.
Ayon sa plano, sa unang bahagi ng proyektong ito, itatayo ang isang high-speed rail sa pagitan ng Bangkok, kabisera ng Thailand, at lalawigang Nakhon Rachasima sa gawing hilagang silangan ng bansang ito. Dalawang daan limampu't tatlong (253) kilometro ang kabuuang haba ng daambakal na ito, at makakaabot sa 250 kilometro bawat oras ang pinakamabilis na tulin.
Salin: Liu Kai