|
||||||||
|
||
Anang resolusyon, ito ay bilang tugon sa paulit-ulit na pagsasagawa ng H.Korea ng mga subok-lunsad ng ballistic missile, sa kabila ng pagtutol ng komunidad ng daigdig.
Sa resolusyon, iniharap din ang mungkahi, na panumbalikin ang Six-Party Talks, para isakatuparan sa lalong madaling panahon ang target na walang nuklear na Korean Peninsula.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Wu Haitao, Charge d'Affaires ng Tsina sa UN, na hindi malulutas ang isyu ng Korean Peninsula, sa pamamagitan lamang ng sangsyon. Nanawagan siya sa iba't ibang may kinalamang panig, na agarang itigil ang anumang pananalita at aksyon na di-paborable sa kalagayan ng Korean Peninsula, igiit ang mga mapayapang solusyon, at panumbalikin ang diyalogo at talastasan.
Ipinahayag naman ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nabanggit din sa Resolusyon 2397, na habang isinasagawa ang mga sangsyon laban sa H.Korea, dapat iwasan ang epekto sa mga sibilyan, normal na kooperasyong pangkabuhayan, tulong na pagkaing-butil, makataong tulong, at misyong diplomatiko ng bansang ito. Ang kahilingang ito aniya ay dapat bigyang-pansin ng iba't ibang bansa.
Dagdag niya, dapat magtimpi ang mga may kinalamang bansa, at gumawa ng positibong pagsisikap para sa pagpapahupa ng tensyon sa Korean Peninsula, at maayos na paglutas sa mga isyu.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |