|
||||||||
|
||
Ayon sa Israeli media, tatalikod ang Israel sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Sinabi ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Israel na ang nasabing kapasiyahan ay nakabase sa "tangka ng UNESCO na paghiwalayin ang kasaysayan ng mga Hudyo sa lupaing Israeli."
Ayon pa sa isang mataas na opisyal ng Israel, kung isasagawa ng UNESCO ang reporma at babaguhin ang atityud nito sa Israel bago dumating ang katapusan ng susunod na taon, kakanselahin ng kanyang bansa ang kapasiyahang naturan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |