Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-21 ng Hulyo 2017, ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina, ang pagputol ng pakikipag-ugnayan ng panig Palestino sa pamahalaan ng Israel sa iba't ibang antas. Ito aniya ay bilang tugon sa pag-iinstall ng Israel ng metal detection door sa pasukan ng Haram esh-Sharif, o tinatawag na Temple Mount ng Israel.
Ipinahayag ni Abbas ang pagtutol sa naturang aksyon ng panig Israeli. Sinabi niyang sumabotahe ito sa prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel, at idinako ang kontradiksyong pulitikal ng dalawang bansa, patungo sa kontradiksyong panrelihiyon.
Ipinahayag din ni Abbas, na ipinaalam na niya ang naturang desisyon sa mga lider ng Saudi Arabia, Ehipto, Jordan, Arab League, at iba pang bansa at organisasyong pandaigdig, para hanapin ang pagkatig ng mga bansang Arabe at komunidad ng daigdig.
Salin: Liu Kai