Sa ginaganap na Ika-16 na Sino-Myanmar Border Ecnomic and Trade Fair, sa Ruili, lalawigang Yunnan ng Tsina, nilagdaan kahapon, Martes, ika-26 ng Disyembre 2017, ang 8 proyektong pangkooperasyon, na nagkakahalaga ng mahigit 1.8 bilyong Dolyares.
Ang mga proyektong ito ay sumasaklaw sa transnasyonal na lohistika, manupaktura, bio-technology, information technology, at iba pa. Kabilang dito ay tatlong malaking proyekto, na gaya ng proyekto ng big data and cloud computing industrial park, proyekto ng Sino-Myanmar international smart cloud supply chain (Ruili) base, at proyekto ng Ruili-Tengjun International Land Port.
Salin: Liu Kai