Yangon, Nobyembre 27, 2017—Idinaos ang Ika-4 na Pagtatanghal ng mga Pamantasan ng Tsina sa Myanmar. Lumahok ang mahigit 200 kinatawan na kinabibilangan ng mga namamahalang tauhan ng 8 pamantasan ng Tsina, at mga estudyante at magulang mula sa Myanmar.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni U Sein Nyunt, Miyembro ng Lupong Tagapagpaganap ng Samahan ng Pagkakaibigan ng Myanmar at Tsina na positibong hihimukin ang mga estudyante ng Myanmar na mag-aral sa Tsina, dahil ang mga pamantasan ng Tsina ay may mga magaling na guro at magandang pasilidad. Ang mga ito ay tiyak na angkop sa pangangailangan ng mga estudyante ng Myanmar.
salin:Lele