Sa panayam sa sideline ng Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, sinabi ni Ministrong Panlabas Kyaw Tint ng Myanmar, na ang LMC ay isang mekanismo ng subrehiyonal na kooperasyon, na angkop sa interes ng mga mamamayan ng mga kalahok na bansa, na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam.
Ipinahayag ni Kyaw Tint, na bagama't nagsimula lamang noong 2016 ang LMC, mabilis itong umuunlad at malaki ang natamong bunga.
Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng pagtatalakay sa pulong na ito, itatakda ang mas angkop at kumpletong plano para sa pag-unlad ng LMC mula 2018 hanggang 2022. Umaasa rin siyang gagawin sa pulong ang lubos na paghahanda para sa Ika-2 LMC Summit na idaraos sa susunod na taon.
Salin: Liu Kai