|
||||||||
|
||
Magkakabisa bukas, unang araw ng Enero, 2018, ang Batas sa Buwis ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina.
Inilabas kahapon, Sabado, Disyembre 30, 2017 ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina ang regulasyon hinggil sa pagpapatupad sa nasabing batas. Ang regulasyon ay magkakabisa rin bukas.
Mababasa sa nabanggit na regulasyon ang mga taxation target, batayan ng pagbubuwis, kondisyon para sa pagbabawas at eksempsyon ng buwis, at pangangasiwa sa pangongolekta ng buwis.
Makaraang magkabisa ang nasabing regulasyon, papawalang-bisa ang regulasyon hinggil sa "pollutant discharge fee".
Ang pagtugon sa polusyon ay itinakda ng Tsina, sa katatapos na Central Economic Work Conference, pinakamahalagang taunang pulong na pangkabuhayan ng bansa bilang isa sa tatlong pinakamahalaga at pinakamahirap na pambansang tungkulin sa susunod na tatlong taon, para itatag ang "moderately prosperous society" sa 2020.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |