Sa panahon ng Ika-3 United Nations Environment Assembly na idinaraos sa Nairobi, Kenya, inilabas kahapon, Martes, ika-5 ng Disyembre 2017, ng United Nations Environment Programme (UNEP) ang mga nagwagi ng Champions of the Earth award, pinakamataas na gantimpala ng UN para sa pangangalaga sa kapaligiran.
Ang mga manggagawa sa Saihanba artificial forest ng Tsina ay ginawaran ng naturang gantimpala sa kategorya ng "Inspiration and Action."
Matatagpuan sa lalawigang Hebei sa hilaga ng Tsina ang Saihanba artificial forest, na ang kabuuang saklaw ay halos 93 libong hektarya. Noong mahigit 50 taon ang nakaraan, dahil sa labis na pagtotroso, halos naging disyerto ang lugar na ito. Simula noong 1962, walang tigil na nagtatanim ng mga punong kahoy dito ang ilang daang manggagawa. Sa kasalukuyan, ang forest coverage rate sa Saihanba ay umabot sa 80%, mula sa 11.4%.
Sinabi ni Erik Solheim, Executive Director ng UNEP, na ang tagumpay ng Saihanba artificial forest ay isang inspirasyon sa lahat, na puwedeng maging maganda uli ang pinasamang kapaligiran, at ang pagpapanumbalik ng ecosystem ay karapat-dapat na pamumuhunan.
Salin: Liu Kai