Ayon sa ulat ng United Overseas Bank, sa kasalukuyan, ang Singapore ay nagiging pinaka-may-gulang na pamilihan ng non-cash payment sa Timog-silangang Asya. Noong taong 2017, ang kabuuang halaga ng on-line at mobile payment ng Singapore ay umabot sa 12 bilyong Singapore dollar, at sa mga ito, ang mobile payment ay umabot sa 47 milyong Singapore dollar.
Ang paggamit ng mobile payment APP sa Singapore ay lumaki sa 40% sa taong 2017 mula 26% noong taong 2016.
Ang pagpapasulong ng pamahalaan ng Singapore ay mahalagang puwersa sa pag-unlad ng mobile payment. Sa kanyang talumpati noong taong nakalipas, nanawagan si Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore sa mga mamamayan ng bansa, na pag-aralan ang karanasan ng Tsina sa paggamit ng mobile payment na gaya ng Wechat pay at Alipay.
salin: Lele