Sa isang pahayag na inilabas Martes, ika-24 ng Oktubre, 2017 ng pamahalaan ng Amerika at Singapore, hiniling ng nasabing dalawang bansa na ipataw ang mas malaking presyur sa Hilagang Korea para itakwil ang plano ng bansang ito sa pagdedebelop ng nuclear missiles.
Ayon sa nasabing pahayag, kinondena nina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore ang planong nuklear ng Hilagang Korea. Ipinalalagay nilang ang planong nuklear ng Hilagang Korea ay malubhang nagbabanta sa kapayapaan at seguridad ng buong daigdig.
Sa paanyaya ni Pangulong Trump, isinasagawa ni Punong Ministro Lee ang opisyal na pagdalaw sa Amerika mula ika-21 hanggang ika-26 ng Oktubre.
Bukod sa isyu ng Korean Peninsula, sinang-ayunan din ng dalawang bansa ang patuloy na pagpapasulong sa kooperasyon sa taripa.