Nag-usap sa telepono Enero 4, 2018 sina Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea at Pangulong Donald Trump ng Amerika, at nagkasundo ang dalawang panig hinggil sa di-pagsasagawa ng ensayong militar habang idinaraos ang Pyeongchang Winter Olympic Games, mula Pebrero 9-25, 2018.
Ipinahayag ni Moon na ipagpapatuloy ng Timog Korea ang pagpapasulong ng pakikipagdiyalogo sa Hilagang Korea, sa pamamagitan ng Pyeongchang Winter Olympic Games. Samanatala, ipagpapatuloy din aniya ng bansa ang pinahigpit na pakikipagpalitan sa Amerika. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng diyalogo sa pagitan ng Hilagang Korea at Amerika.
Ipinahayag naman ni Trump ang pag-asang magiging mabunga ang diyalogo ng dalawang panig sa Peninsula ng Korea. Dagdag pa niya, ipapadala ng Amerika ang mga mataas na kinatawan para dumalo sa Olimpiyada ng Pyeongchang.